MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Pansamantalang isasara sa daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng Maginhawa at Masinsinan Street bukas, May 9, 2025 (Biyernes) simula 6:00 PM dahil sa isasagawang Miting de Avance ng Serbisyo sa Bayan Party (SBP) sa District 4.
Magpapatupad ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng traffic re-routing scheme para sa mga motoristang maapektuhan ng pagsasara ng mga naturang kalsada.
Magtutulungan at nakaantabay din ang mga tauhan ng TTMD at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

