Muling nagsagawa ng Operation Baklas ang COMELEC, katuwang ang mga kawani ng Department of Public Order & Safety, Traffic & Transport Management Department, Department of Engineering, Parks Development & Administration Department, Department of Sanitation & Cleanup Works, Quezon City Police District, Task Force Disiplina, at Task Force Streetlighting sa mga kalsada sa lungsod ngayong araw.
Umabot sa 3,835 tarpaulins at posters ang natanggal sa operasyon sa Districr 1-6.
Paalala ng Quezon City Government na mahigpit na ipinagbabawal na magpaskil sa mga poste ng kuryente, at mga ampublikong imprastraktura at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass.
Ang Oplan Baklas ay magpapatuloy hanggang matapos ang eleksyon para mapanatili ang kalinisan ng ating mga lansangan at masigurong naipatutupad ang batas at ordinansa sa panahon ng eleksyon.




