Nag-manual upload na ang mga teachers ng resulta ng boto mula sa iba-ibang clustered precints sa Lungsod Quezon sa Carlos L. Albert Hall ng City Hall kaninang madaling araw.
Sa tulong ng manual upload, mas mapapadali ang pag-transmit ng mga resulta ng boto sa mga voting precincts.
Pinangangasiwaan ito ng COMELEC QC – City Board of Canvassers upang matiyak na maayos ang National and Local Elections 2025.




