QCitizens, tara na’t magkita-kita sa Linggo, May 18, 2025 para sa Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday!
Sama-sama tayong mag-zumba, mag-jogging, magbisikleta, at mag-bonding, katuwang ang Barangay and Community Relations Department (BCRD).
Mayroon pang street chalk art, open mic session, at pickleball!
Makakasama rin natin ang ECPAT Philippines para isulong ang kanilang mga adbokasiya ukol sa pagprotekta sa mga kabataan laban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).
Kita-kits, QCitizens!


