Every donor is a life changer!
Matagumpay na isinagawa ng QC Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at CereCare Philippines Inc. ang Beyond Limits: PWDs Giving the Gift of Life, isang blood letting activity, na ginanap sa District 3 Action Center kahapon.
Umabot sa higit 50 ang naging blood donors kabilang na rito ang ilang mga persons with disabilities na buong pusong nagbahagi ng kanilang dugo.
Mapupunta ang mga nalikom na mga dugo sa National Children’s Hospital para sa mga batang may Thalassemia—isang genetic blood disorder.
Kasama sa matagumpay na pagsasagawa ng event ang District 3 Action Office, QC Health Department, National Children’s Hospital, Resources for the Blind, Philippine Blind Union, National Council on Disability Affairs, Wounded Soldiers, at Little Ark Foundation.




