KOREAN CORNER SA QC LIBRARY!
Pinasinayaan na ang ‘Korean Corner’ sa Quezon City Public Library (QCPL) sa City Hall ngayong araw.
Naglalaman ito ng nasa 130 na iba-ibang libro, board games, magazines, at children’s books na donasyon mula sa Korean Cultural Center (KCC).
Nakibahagi sa seremonya sina Councilor Aly Medalla, QCPL Assistant City Librarian Mary Ann L. Bernal, at KCC Director Kim Myeongjin.
Bahagi ng programa ang Phil-Kor Puppet Show para sa mga kabataang QCitizens na pinamagatang “Once Upon Our Lands.”
Natunghayan ng mga kabataan ang kwento nina “Malakas at Maganda” at ang Korean story na “Myth of Dangun.” Parehas nitong tinalakay ang pinagmulan ng bansang Pilipinas at Korea.




