’Di lang Minsan, Dapat Sustainable Palagi!
Sa kabila ng dagsa ng tao, kapansin-pansin ang disiplina ng mga kabataan at mga young-at-heart na dumalo sa Minsan Fest ngayong hapon sa Quezon Memorial Circle.
Bitbit ang kani-kanilang mga tumbler, hindi lang nakiindak at nakisaya ang mga QCitizen at bisita sa concert, nakikiisa rin sila sa pagsusulong ng Green and Sustainable Initiatives ng Lungsod Quezon.
Katuwang ang Minsan Fest at Minsan Studios sa adbokasiya ng lokal na pamahaalan sa pagkamit ng isang green, sustainable, at livable na Quezon City.




