Pagpupugay kay Cadet First Class Jessie Ticar Jr. sa kanyang pagtatapos sa Philippine Military Academy (PMA) Siklab-Laya Class of 2025 bilang class valedictorian.
Makasaysayan ang tagumpay ni Ticar dahil siya ang may pinakamataas na grado sa kasaysayan ng PMA, at ikaapat pa lamang na nagtapos bilang Summa Cum Laude.
Inspirasyon ni Ticar, na residente ng Batasan Hills, ang kanyang inang ballpen vendor at amang dating taxi driver na naging PWD.
Saludo kami sa iyo, QCitizen Jessie!
