Ininspeksyon ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia ang mga tinanggal at binaklas na campaign tarpaulins sa Payatas Controlled Disposal Facility (PCDF) ngayong umaga.
Kinilala ni Chairman Garcia ang Quezon City Government dahil sa pangunguna ng lungsod sa pagsasagawa ng kampanya para mabawasan ang basura na dulot ng sari-saring election paraphernalia.
Sa QC, ang mga nakokolektang tarpaulin ay nililinis at inaayos para gawing fashionable bags, sa ilalim ng Vote to Tote program.
Ang pagbubuo ng upcycled bags ay nagsisilbi ring pangkabuhayan para sa mga Persons Deprived of Liberty.
Kasama sa inspection sa PCDF sina Department of Sanitation and Cleanup Works Head Richard Santuile, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, at mga kinatawan muna Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) at Department of Public Order and Safety (DPOS).




