Ginunita ng Lungsod Quezon ang AIDS International Candlelight Memorial bilang pag-alala sa mga namayapa dahil sa HIV at AIDS at panalangin para sa mga patuloy na lumalaban sa sakit.
Binigyang-diin sa seremonya ang kahalagahan ng araw na ito para sa patuloy na pagkakaisa laban sa HIV at AIDS.
Kabilang sa mga nag-alay ng kandila sina Mayor Joy Belmonte, QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, City Epidemiology and Surveilance Unit Head Dr. Rolly Cruz, at Dr. Louie Ocampo ng UNAIDS
Nakiisa rin ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod, at mga kinatawan mula sa Pinoy Plus Advocacy, Inc. at iba pang civil society organization.




