Tampok si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang pangunahing panauhin sa Kapihan sa Manila Prince Hotel ngayong araw, kasama sina dating Senador Joey Lina at dating Presidential Communications Secretary Sonny Coloma.
Ibinahagi ni Mayor Belmonte ang mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan tungo sa inclusivity at sustainability, kabilang ang mga programang pangkabuhayan, dekalidad na edukasyon, abot-kayang pabahay, at iba pang serbisyong nakatuon sa kapakanan ng QCitizens.
Tiniyak ni Mayor Belmonte na patuloy na paiigtingin ng pamahalaang lungsod ang mga serbisyo para sa mas maunlad na Quezon City.




