Dumalo ang mga kinatawan mula sa iba-ibang Local Government Units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) sa seminar na Capacitate to Collaborate: Empowering Stakeholders for Participatory and Accountable Governance.
Binigyang-diin ni DILG-NCR Regional Director Maria Lourdes L. Agustin, CESO III, ang kahalagahan ng taunang Open Government Partnership (OGP) sa pagpapatibay ng bukas, tapat, at makabuluhang pamamahala sa mga LGU sa buong bansa.
Nagbahagi rin ng kanilang kaalaman at karanasan sina Dr. Joseph Rylan G. Flores, Past President ng Quezon City Medical Society; Tomasito Villarin, Lecturer sa Department of Political Science ng Ateneo de Manila University; at Paul A. Senogat, Program Director ng Pasig City CSO Academy.
Tinalakay nila ang kasalukuyang mga sistema para sa participatory at multi-stakeholder governance.
Kabilang sa mga dumalo sa seminar ang mga kinatawan ng LGUs at Civil Society Organizations (CSOs) sa NCR, pati na rin ang ilang opisyal at kawani mula sa Pamahalaan ng Lungsod Quezon.




