Bukas na ang Maginhawa Summer Fest 2025!
Sinimulan ito ng isang masiglang Zumba session na pinangunahan ng Anytime Fitness Maginhawa at sinundan naman ito ng makulit at masayang Palarong Pinoy sa pangunguna ng JCI QC Capitol.
Nakiisa sa kasiyahan ang mga QCitizen at mga bisita mula sa iba-ibang lugar. Damang-dama ang diwa ng komunidad dito sa Maginhawa!
Marami pang inihandang aktibidad ang QC Government at Maginhawa Food Community para sa inyo. Kaya QCitizens, kita-kits!
#MSF2025#QCMoreToExplore#MaginhawaExperience




