Masarap ang handa sa pista!
Mahigit 100 food at non-food businesses ang nagpakitang-gilas sa makulay at masarap na selebrasyon ng Maginhawa Summer Fest 2025.
Mula sa local delicacies hanggang handcrafted items, lahat available sa abot-kayang halaga.
Bukod sa kainan at shopping, namigay ng libreng legal consultation ang IBP-Quezon City at namahagi ng libreng ice cream ang Selecta Philippines para sa lahat ng dumalo.
Nagsetup din ng Water Refilling Station ang Manila Water para mayroong patuloy na supply ng drinking water sa event.
Sinisigurado naman ng Department of Sanitation and Clean-up Works of Quezon City (DSQC) na malinis at maayos ang buong lugar.




