FUR-BABIES PARADE IN QC!
Sabay-sabay na rumampa ang mga fur-parents at kanilang naggagandahang furbabies sa Furries De Mayo na inorganisa ng City Veterinary Department (CVD) at Animal Kingdom Foundation sa Quezon Memorial Circle.
Bahagi ng whole day event ang mga libreng veterinary services ng CVD na anti rabbies vaccination, deworming, consultation, microchipping, at iba-ibang mga freebies mula sa mga sponsors at exhibitors.
Layon ng programa na isulong ang animal welfare advocacy at pagiging pet-friendly ng Lungsod Quezon.




