QCitizens, pwede pang humabol sa huling araw ng All aBoard Expo 2025!
Iba-ibang board games at activities ang handog ng Quezon City Government at Gaming Library sa huling araw ng All aBoard Expo ngayong Linggo.
Mayroong game demos, tournaments, at workshops galing mismo sa mga international board game publishers.
LIBRE ang entrance para sa mga QC resident. Dalhin lamang ang inyong QCitizen ID.
Kaya ano pang hinihintay ninyo? Tara na sa QC M.I.C.E. Center at makisaya sa All aBoard Expo 2025.




