Ikinagagalak ng Quezon City na makiisa sa isang programang nagpapakita ng malasakit sa kabataan at sa kanilang kinabukasan.
Sa tulong ng Hyundai Motor Philippines Inc., isinagawa ang Hyundai Accelerate Program Orientation bilang opisyal na pagsisimula ng isang magandang oportunidad para sa 20 SHS graduates mula sa Commonwealth High School at Justice Cecilia Muñoz Palma Senior High School.
Magkakaroon sila ng pagkakataong makapag-aral ng isang taong kurso sa Automotive Technology sa Don Bosco Technical Institute, bilang paghahanda sa makabagong mundo ng trabaho at teknolohiya.
Dumalo rin sina Coun. Aly Medalla, ang Quezon City Schools Division Office, at Quezon City Youth Development Office bilang suporta sa mga programang para sa kabataan at edukasyon.
Saludo kami sa mga kabataang lumahok sa programang ito—mga kabataang nagsisilbing inspirasyon at pag-asa para sa kinabukasan.




