Tumanggap sina Mayor Joy Belmonte, Majority Floor Leader Doray Delarmente, at Kagawad Ed Alcoy ng commemorative First Day Cover stamps mula sa Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa isang ceremonial handover na isinagawa sa Quezon City Hall.
Kasama rin sa okasyon si Post Master Ma. Magdalena Esconde ng QC Central Post Office at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Sa pamamagitan ng mga disenyo ng mga selyo, nabibigyang pagkilala ang mga makasaysayang pangyayari, personalidad, o pamana sa kultura ng lahing Pilipino.
