Bumisita sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte ang mga mag-aaral mula sa Quezon City Science High School matapos ang kanilang paglahok sa American Association for Cancer Research (AACR) Annual Meeting 2025 sa Chicago, USA.
Sa kanilang pananaliksik, natuklasan na ang ilang kemikal mula sa cassava leaves ay may potensyal na panlaban sa breast cancer.
Muling tiniyak ng alkalde, kasama si Education Affairs Unit chief Maricris Veloso, na buo ang suporta ng QC sa STEM education at sa mga mag-aaral na may angking galing at potensyal sa agham at teknolohiya.



