Ipinagdiriwang tuwing June 3 kada taon ang World Bicycle Day, alinsunod sa resolusyon na inilabas ng United Nations General Assembly noong April 2018.
Layon nitong pahalagahan at isulong ang pagbibisikleta bilang mas sustainable, environment-friendly, at alternatibong paraan ng transportasyon.
Dito sa QC, umabot na sa 201 kilometro ang kabuuang haba ng mga protected bike lane na dumadaan sa mga mahahalagang destinasyon sa lungsod tulad ng mga paaralan, at mga negosyo.
Happy World Bicycle Day, QCitizens!
