QCitizens, maghanda na para sa Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday sa June 8, 2025!
Iba-ibang laro gaya ng piko, chess, dama, at sungka ang naghihintay sa inyo dahil makakasama natin ang QC Department of Engineering (QCDE)!
Bukod sa Zumba, mayroon ding Jamming sa Morato kasama ang mga cosplayers ng mga bayaning Pilipino.
Magkakaroon pa ng pagkakataong malaman ang best practices at initiatives ng Quezon City Government, partikular sa larangan ng infrastructure project & asset management.
Hinihikayat naman ang QCitizens na ibahagi ang mga mungkahing infrastructure projects na maaaring makatulong sa inyong komunidad sa Maintenance & Project Management Booth ng QCDE.
Kaya siguruhing magising kayo nang maaga para sama-sama tayong mag-bonding at magsaya sa Tomas Morato. See you there!


