MAY SEGUNDA MANA SA TRINOMA!
Bukas na sa publiko ang 3-day Segunda Mana Mega Bazaar 2025 ng Caritas Manila sa 4F Cinema Lobby ng Ayala Malls TriNoma ngayong araw.
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ribbon cutting ceremony kasama sina Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton C.T Pascual, Fr. Gilbert Kabigting, Fr. Bobby Dela Cruz, PMG PH General Manager Agnes Magallanes, at QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office head Mona Yap.
Noong nakaraang taon, dinala ng Caritas Manila sa City Hall ang naturang Bazaar na nakalikom ng nasa P500,000, ayon kay Mayor Joy.
Ang pondong maiipon mula dito ay makatutulong sa mga kabataang nasa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program ng organisasyon.
QCitizens, hanggang June 8 pa ang Segunda Mana Bazaar, kaya tara at tangkilikin ang mga murang bilihin!




