
Pencak Silat – Batang Pinoy 2025 Tryouts
June 14, 2025Sali na rito, kabataang QCitizens!
Magsasagawa ng Batang Pinoy 2025 Tryouts para sa Pencak Silat ang QC Sports Development Office katuwang ang Office of the Vice Mayor.
Gaganapin ang tryouts sa Sabado, June 14, 2025, sa Quezon City High School Covered Court mula 2:00PM hanggang 5:00PM.
Bukas ito para sa mga kabataang edad 17 taong gulang pababa.
Para sa mga interesadong lumahok, dalhin lamang ang mga sumusunod:
Photocopy ng PSA Birth Certificate
Sariling tubig at pagkain
Paalala: Kailangan na may kaalaman sa Sikapasang Delapan (8 Step/Movement of Pencak Silat) at physically fit ang mga sasali.
Tingnan ang post sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
Date: June 14, 2025
Time: 2:00 a.m. to 5:00 p.m.
Venue: Quezon City High School Covered Court