Isinagawa ng QC Market Development and Administration Department ang Vendors Summit 2025 kasama ang mga vendor at hawker sa buong lungsod.
Tinalakay sa summit ang iba’t ibang serbisyo at benepisyo ng QC para sa mga vendor tulad ng dagdag tulong pangkabuhayan at scholarships para sa kanilang mga anak.
Siniguro naman ni Mayor Joy Belmonte na handang makinig at tumugon ang pamahalaang lungsod sa mga isyu at hinaing ng sektor lalo na ang maliliit na negosyante.
Kabilang sa mga sumuporta sa programa sina MDAD head Alex Alberto at Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head Mona Celine Yap.
Nakiisa rin sina Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz at Action Officers ng District 1-6 Action Office.




