Quezon City ang magiging pilot-city ng Community-Based Surveillance (CBS) ng Department of Health (DOH) sa NCR!
Ang Community-Based Surveillance ang magpapalakas sa kapasidad ng komunidad, partikular ng barangay, sa pagde-detect at pagtutukoy sa maaaring banta sa kalusugan ng publiko.
Kapag mas mabilis at mas maagang natukoy ang banta ng sakit, makokontrol at maiiwasan ang pagkalat nito at mabilis na matutugunan ang mga posibleng outbreak at pandemic.
Sasailalim din sa capacity development ng CBS ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at barangay lalo na sa mga nasa ilalim ng health, agriculture, at environment sector.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa meeting sina QC Health Department (QCHD) OIC Dr. Ramona Abarquez, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, City Epidemiology and Surveilance Division Chief Dr. Rolly Cruz, at mga kinatawan ng City Veterinary Department at Department of Health NCR.




