Daan-daang QCitizen students ang nakatanggap na ng libreng school supplies mula sa lokal na pamahalaan ngayong araw.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang ceremonial distribution ng learning kits sa Quirino Elementary School, Batino Elementary School, P. Bernardo Elementary School, Quirino High School, at Manuel A. Roxas High School.
Ngayong SY 2025 to 2026, mahigit 420,000 libreng school kits ang ipamimigay sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12.
Ang mga kagamitan na laman ng bag ay sinisigurong nakaayon din sa pangangailangan ng mga estudyante, base sa konsultasyon ng lungsod sa mga guro at magulang.
Kasama ni Mayor Joy sa ceremonial distribution ng supplies sa mga mag-aaral sina District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, QC Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, at Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso.




