Maligayang Araw ng Kalayaan, QCitizens!
Ngayong araw, Hunyo 12, 2025, ipinagdiriwang natin ang ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas upang gunitain ang kabayanihan ng mga nakipaglaban para makamit ang ating kasarinlan.
Patuloy nating pangalagaan ang kasaysayan at isabuhay ang diwa ng kalayaan, bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa ating Inang Bayan.
