Tuwing ika-12 ng Hunyo, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ginugunita natin ang World Day Against Child Labor.
Ang tema ngayong taon ay “Sa Bagong Pilipinas: Mag-aaral ang Bata, Hindi Manggagawa”. Layon nitong itaguyod ang karapatan ng mga bata na makapag-aral at wakasan ang isyu ng child labor para sa kanilang maunlad na kinabukasan.
Kaisa ang Quezon City Government sa pagpapaigting ng mga programang susugpo sa pwersahang pagta-trabaho ng mga bata at poprotekta sa kanilang kapakanan.
