Maligayang Araw ng Kalayaan, QCitizens!
Sama-samang ginunita ng mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan ang ika-127 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kinabukasan.”
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at Akbayan Rep. Percy Cendaña ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Riza sa QC Hall.
Sa kanyang talumpati bilang panauhing pandangal, binigyang-diin ni Rep. Cendaña na maraming daan para makamit ang tunay na kalayaan, pero nagsisimula ito sa ating sarili hanggang sa maging kolektibo at pangkalahatan.
Bukod kina Mayor Joy, VM Gian, at Rep. Percy, nakiisa rin sa Independence Day ang National Historical Commission of the Philippines, Knights of Columbus – Diocese of Cubao, Boy Scouts of the Philippines, School Divisions Office, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections, at Quezon City Police District.




