PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT
Ang deadline ng filing, approval, at payment ng Estate Tax Amnesty application ay hanggang June 16, 2025 (Lunes) na lamang.
Kasunod ito ng inilabas na anunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ukol sa pagpapalawig ng deadline ng pag-avail ng Estate Tax Amnesty.
Isumite ang tatlong kopya ng inyong duly accomplished at sworn Estate Tax Amnesty Return (ETAR) at Acceptance Payment Form (APF) with proof of payment, kasama ang kumpletong dokumento sa inyong Revenue District Office (RDO).
Ang hindi pagbabayad sa nakatakdang deadline ay katumbas ng non-availment ng Estate Tax Amnesty. Anumang bayad na ginawa ay maaaring ipambawas sa kabuuan ng regular estate tax na dapat bayaran, kasama ang mga multa.
Ang Estate Tax payment ay maaari lamang gawin over-the-counter sa Authorized Agent Bank (AAB) o sa Revenue Collections Officer (RCO) sa inyong RDO.
• Maaaring palawigin ng AAB ang banking hours hanggang 5:00 PM sa June 16, 2025 upang tumanggap ng Estate Tax Amnesty payments.
• Ang RCOs ay tumatanggap ng cash payments hanggang Php 20,000 at Manager’s Checks.
