Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si German Ambassador Dr. Andreas Michael Pfaffernoschke at ang kanyang anak na si Jonas Pfaffernoschke sa isang courtesy visit sa Quezon City Hall.
Tinalakay sa pulong ang mga programa ng lungsod para sa urban sustainability, kasama si Andrea Villaroman, hepe ng QC Climate Change and Environmental Sustainability Department.
Ibinahagi rin ni Jonas na nagsilbing inspirasyon sa kanyang master’s degree thesis ang mga ipinapatupad na climate action initiatives ng Lungsod Quezon.




