Bumisita kay Mayor Joy Belmonte ang mga judge ng Quezon City Regional Trial Court ngayong araw.
Ipinahayag ng mga judge na handa silang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan, at makiisa sa mga adbokasiya ng lungsod lalo na sa pagpapalakas at pagpapalawig ng rehabilitation at community reintegration projects para sa mga QCitizen.
Kasama rin ni Mayor Joy na sumalubong sa mga judge si City Legal Officer Atty. Carlo Austria.




