Dumalo bilang kinatawan ng Quezon City Government si Majority Floor Leader Doray Delarmente sa Circular Economy Forum: Advancing the Circular Economy for a Sustainable Future ng Asian Development Bank kahapon.
Tinalakay ni Coun. Doray ang Plastic Bag Ban Ordinance (SP-2868, S-2019) na nagbabawal sa paggamit ng plastic bags at pagpapatupad ng paggamit ng reusable bags at eco-friendly alternatives sa lahat ng business establishments sa lungsod.
Layon ng isinagawang forum na palalimin ang pang-unawa sa mga konsepto ng circular economy, gayundin ang makapagbigay ng dagdag kaalaman at maipakita ang iba-ibang best practices ng bawat public and private sector mula Asia at Pacific region sa pagtalakay ukol sa isyu ng climate change.




