Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kasama sina Mayor Joy Belmonte, Department of Education Sec. Sonny Angara, at Bureau of Fire Protection Chief FCSUPT. Jesus Fernandez, ang inspeksyon sa nasunog na gusali sa San Francisco High School.
Sa kanyang pahayag, tiniyak ng pangulo na ang pamahalaan ay nakahandang magbigay ng buong suporta upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.
Inihayag din ni PBBM na kasalukuyang binabalangkas ang plano para sa reconstruction ng nasunog na gusali at ang pagkumpuni ng mga iba pang istruktura na hindi na ligtas gamitin bilang classrooms.
Kasabay nito, namahagi ang DepEd ng ilang units ng laptop sa mga guro ng SFHS.
Siniguro naman ni Mayor Belmonte na patuloy ang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan lalo na sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at guro.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang matukoy ang sanhi ng insidente.




