Nag-alay ng bulaklak ang pamunuan ng Pamahalaang Lungsod Quezon sa bantayog ni Dr. Jose Rizal bilang bahagi ng paggunita ng kanyang ika-164 anibersaryo ng kapanganakan.
Nanguna sa seremonya sina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Coun. Wency Lagumbay, Office of the City Mayor Chief of Staff Rowena Macatao, at mga department head.
Kasama rin na nag-alay ng bulaklak si Janice Tambo, senior shrine curator ng National Historical Commission of the Philippines, mga kinatawan ng Quezon City Police District, at Schools Division Office QC.




