INTERNET CONNECTIVITY FOR ALL!
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang paglulunsad ng School Connectivity Drive in Underserved Areas sa Flora A. Ylagan High School (FAYHS) bilang host school ng bagong proyekto ng pamahalaan.
Layon ng programa na palakasin ang digital transformation sa sektor ng edukasyon at mabigyan ng internet access ang mga pampublikong paaralan sa bansa.
Nakausap ni PBBM ang mga estudyante mula sa mga malalayong paaralan sa iba-ibang rehiyon sa bansa na nakikinabang na sa proyekto.
Kasama ni PBBM si Mayor Joy Belmonte, Department of Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda, Department of Education Regional Director Jocelyn Andaya, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, at FAYHS Principal Jasthyne Salazar.




