Kita-kits sa sama-samang paninindigan para sa equality at inclusivity sa Diliman!
Ngayong Huwebes, opisyal nang pumirma sa Memorandum of Agreement ang Quezon City Government, University of the Philippines Diliman, at Pride PH para sa darating na Lov3Laban sa Diliman sa June 28.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng kolektibong paninindigan para makamit ang pantay na karapatan para sa mga mamamayan, at maisulong ang komunidad na progresibo, malaya, at walang diskriminasyon.
Ipinahayag din ng alkalde, ni UP Diliman Chancellor Atty. Edgardo Carlo Vistan, mga convener ng Pride PH, at mga department head ang kanilang commitment sa pamamagitan ng paglagda sa manifesto wall.
Sa June 28, kabi-kabilang programa ang inihanda ng QC, UP, at Pride PH para matiyak ang isang pantay, at inklusibong komunidad para sa lahat, anuman ang pagkakakilanlan.
#Lov3Laban#PuksaanSaDiliman#PridePH




