Dumalo si Mayor Joy Belmonte bilang keynote speaker sa 1st Quezon City Local Government Physicians’ Convention na idinaos sa M.I.C.E Center sa City Hall.
Hinimok ng Alkalde ang mga doktor na panatilihin ang paghahatid ng de-kalidad na serbisyong-medikal sa QCitizens. Kasabay ito ng patuloy na pagtutulungan ng mga pampublikong ospital sa lungsod, at paggamit ng datos para sa mahahalagang desisyon.
Layon ng dalawang araw na pagtitipon na mapalakas pa ang ugnayan ng QC Health Network, at talakayin ang mga usapin ukol sa clinical at medical fields.
Pinangunahan din ni Mayor Joy ang ribbon cutting ceremony para sa Scientific Exhibit tampok ang mga high-tech medical equipment and machines.
Dumalo sa programa sina Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, Councilor Vito Sotto Generoso, City Administrator Mike Alimurung, Philippine Medical Association President Dr. Hector Santos, QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, Rosario Maclang Bautista General Hospital Director Dr. Dave Vergara, QC General Hospital Director Dr. Josephine Sabando, at Novaliches District Hospital OIC Dr. Luzviminda Kwong.




