Naimbitahan ang Quezon City Government sa pagdiriwang ng 24th Matagoan Festival sa Tabuk City, Kalinga Province.
Nakiisa sa selebrasyon si External Relations Officer Tetta Tirona bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte kasama ang iba pang mga munisipalidad mula sa Mountain Province at Ilocos Sur.
Pinangunahan nina Tabuk City Mayor Darwin Estrañero at Vice-Mayor Atty. Dick Bal-O ang week-long celebration ng festival kasabay ng 75th Founding Anniversary ng lungsod.
Ipinagdiriwang sa Matagoan Festival ang makulay na kasaysayan at kultura ng mga Tabukeños sa Kalinga Province.




