Naging matagumpay ang day 2 ng kauna-unahang Quezon City Local Government Physician’s Convention na idinaos sa M.I.C.E Center sa City Hall ngayong Sabado.
Bahagi ng talakayan sa summit ang mga napapanahong usapin tungkol sa medical field, at mga kasagutan sa mga suliraning kinahaharap ng health officers ng QC Health Network.
Kabilang dito ang pagtugon sa iba-ibang infectious diseases, geriatric care and management, mental health, pagpapanatili ng de-kalidad na serbisyong medikal, tungkulin ng Social Services Development Department, hanggang sa customer relations sa mga pampublikong ospital.
Ganap na ring na-iturn over ng pamunuan ng Rosario Maclang Bautista General Hospital sa QC General Hospital ang pag-host ng convention para sa susunod na taon.




