Happy Sunday, Quezon City!
Sa pangunguna ng Information Technology Development Department (ITDD), sama-samang nag-zumba at nag-jogging ang mga residente.
Mayroon ding mga Telco discovery booth handog ng mga partner organizations.
Tuwing Linggo, isinasagawa ang Car-free, Carefree Tomas Morato. Isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM para maisulong ang active lifestyle sa mga QCitizen.
Magkita-kita tayo ulit sa susunod na Linggo, QCitizens!




