Nagsanib-pwersa ang mga District Action Office ng District 1, 3, at 4, kasama ang QC Engineering Department para sa declogging operation sa Barangay Siena, at Barangay Sto. Domingo.
Nilinis at inalisan ng bara ang mga kanal at daluyan ng tubig sa Banawe St. corner NS Amoranto, at Palali St. corner NS Amoranto.
Tuloy-tuloy ang declogging operations sa lungsod para matiyak na maiwasan ang matinding baha kapag malakas ang ulan.




