Sa ikalimang sunod na pagkakataon, ginawaran ng Unmodified Opinion ng Commission on Audit (COA) ang Quezon City Government!
Muling pinatunayan ng pamahalaang lungsod na ang financial statements nito ay ‘fully compliant’ at naaayon sa auditing standards ng pamahalaan.
Ang karangalang ito ay patunay sa matatag na paninindigan ng QC sa integridad, mahusay na pamamahala, at pananagutan sa bawat sentimo ng pondo ng bayan.




