Kinilala ang mga outgoing na miyembro ng Sangguniang Panlungsod kasabay ng huli o ika-114 regular session ng 22nd City Council.
Nagbigay ng pasasalamat ang sanggunian kina Coun. Kate Coseteng, Coun. Anton Reyes, Coun. Irene Belmonte, Coun. Marra Suntay, Coun. Mutya Castelo, Coun. Eric Medina, at Coun. Godie Liban para sa kanilang serbisyo sa QC.
Pinuri ng mga kasamahan sa konseho ang kanilang kontribusyon lalo na ang mga proyekto at polisiyang ipinaglaban na siyang patuloy na nagpapabuti sa buhay ng QCitizens.




