Itinanghal na overall 2nd Runner-up ang Barangay Immaculate Conception sa 5th Gawad Taga-Ilog (GTI) Search for the Most Improved Estero in Metro Manila sa Park Inn by Radisson ngayong araw.
Kinilala rin ang barangay bilang Champion in Sustainability and Partnership Management dahil sa aktibo nilang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa Arayat Creek at sa paligid nito.
Malugod na tinanggap ni Barangay Immaculate Conception Chairperson Ramon B. Salas, kasama ang ilang mga kawani ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) ang nasabing parangal.




