Sinimulan na ng Batasan Hills National High School ang ikalawang taon ng implementation ng blended learning program. Isa itong makabagong hakbang upang mas maging maayos ang daloy ng klase at matiyak ang mas epektibong pagkatuto para sa kanilang mga mag-aaral.
Ngayong school year, nasa 12,864 na estudyante ang kabilang sa pilot ng blended learning program.
Sa pamamagitan ng kombinasyon ng face-to-face at online classes, layunin ng programang ito na gamitin ang teknolohiya upang mas mapaganda ang karanasan sa pag-aaral, lalo na sa mga paaralang may mataas na bilang ng estudyante.
Makakaasa ang BHNHS na katuwang nila ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon at DepEd Quezon City sa patuloy na pagpapaunlad ng kanilang blended learning program at sa pagtugon sa mga kinakailangang suporta para dito.




