FIVE YEARS STRAIGHT!
Buong pagpapakumbaba na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang muling paggawad ng Unmodified Opinion ng Commission on Audit (COA) sa Quezon City Government.
Sa magkakasunod na limang taon, muling pinatunayan na ‘fully compliant’ at maayos ang auditing standards ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa Alkalde, malaking bagay na napakikinabangan na ng QCitizens ang good governance initiatives ng lungsod, na layong gawing digital ang mga proseso ng City Hall at alisin ang anumang uri ng korapsyon at red tape.


