Bilang bahagi ng pagdiriwang ng PRIDE Month ngayong Hunyo, pinailawan ng mga kulay ng bahaghari ang High Rise Building ng Quezon City Hall.
Kaya QCitizens, wear your colors proud dahil dito sa Q.C. pinangangalagaan ang karapatan ng bawat isa anuman ang kanilang sexual orientation, gender identity, at expression (SOGIE).
Patuloy na itinataguyod ng pamahalaang lungsod ang isang inklusibo, at pantay na lipunan kung saan ang bawat QCitizen ay ligtas, may boses, at may dignidad.

