Pagbati kay Ms. Vanessa Bautista, Marketing Associate ng QCID Team sa kanyang nakatakdang paglahok sa art exhibit sa New York sa Setyembre!
Kabilang sa Visual Enrichment Art Exhibit sa Philippine Center sa New York ang mga obra ng QCitizen na si Vanessa sa ilalim ng Daloy Likha Art Gallery.
Inspirasyon ni Vanessa, na taga-Barangay Matandang Balara, ang katangi-tanging ganda ng mundo at mga tao sa kanyang paligid. Malimit din siyang mag-eksperimento sa mga kulay, tekstura, at iba-ibang pattern o disenyo para sa kanyang mga likhang-sining.
Kakaibang ligaya rin ang kanyang nadarama sa tuwing maipipinta niya ang kanyang makukulay na ideya.
Saludo ang Quezon City Government sa inyong husay at dedikasyon sa sining!
Maaaring makita ang mga obra ni Vanessa sa Nami Art Gallery, Badass Art Gallery, Gallery 928, at sa Instagram: https://www.instagram.com/vanessabautista_art/




