Matagumpay na naisagawa ng Quezon City Council for the Protection of Children (QCCPC) ang dalawang araw na workshop para sa pag-update ng Local Development Plan for Children (LDPC) at Medium-Term Investment Program for Children (MTIPC).
Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children (CWC), tinalakay sa workshop ang mga pangunahing paksa tulad ng karapatan ng bata, mga tungkulin ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), kahalagahan ng makabuluhang child participation, at ang proseso ng pagbalangkas ng LDPC, Local Investment Plan for Children (LIPC), at Local Code for Children (LCC).
Layon ng workshop na higit pang palakasin ang kakayahan ng mga miyembro ng QCCPC sa pag-update ng LDPC at MTIPC upang matiyak na ang mga programang nakapaloob dito ay akma at tumutugon sa kasalukuyang pangangailangan ng mga batang QCitizen.




